I'm just a simple blogger. I reblog things that I can relate to. All of my secrets are written here so PLEASE. K? This is the only place where I can shout my feelings, emotions, opinions and just whatever. :)
makemestfu:

More images and relatable stuff?
leilockheart:

Found on - LINK
FINAL CHAPTER OF BOOK TWO.

June na. Naiiyak ako. 4th year na ko!!! T____T

Parang kelan lang, 1st year pa lang ako. Di ko pa kilala yung mga kaklase ko. Wala pa kong idea kung masaya nga ang high school life. Masaya kasi naging elementary days ko kaya di ko alam kung anung ieexpect sa high school life. Totoo nga. Isa sa pinaka MASAYANG PARTE NG PAG AARAL ANG PAGIGING HIGH SCHOOL.

Sobrang memorable sakin ng mga araw ko bilang high school student. Kahit laging stress dahil sa mga homeworks, projects, and exams. Yung tipong pagpasok mo sa school inaantok ka pa dahil puyat ka, tapos yung iba mong kaklase ganun din. Naaalala ko pa, lalo nitong 3rd year. Lagi akong kulang sa tulog tapos napaka HYPER ko pag puyat ako. Ako pinaka maingay sa room at malakas ako mangtrip pag puyat ako. Sumasakay talaga ako sa mga pang titrip sakin.

Sobrang dami kong natutunan ngayong high school. Nakilala ko yung mga taong naging totoo sakin. Yung mga taong dapat layuan dahil mga plastik at mahilig lang manghalungkat ng buhay ng iba para may mapagchismisan at higit sa lahat nakilala ko yung taong magpapadama sakin kung ganu kasarap at KASAKIT magmahal.

Mas atang makata tong mga pinagsasabi ko. HAHAHA! Basta napaka saya ng pagiging high school ko.

Kahit UPCAT/College na nasa isip ko ngayon, kung sa memories naman, halos nakalista na yung mga bagay na gusto ko gawin kasama yung mga kaibigan ko. AT PROMISE. MAKAKAMOVE ON NA KO. YAYAKAPIN KO LAHAT SA GRADUATION. KASAMA SYA. WAHAHA! SANA MAGAWA KO :P

Goodluck din sa mga magfo-fourth year gaya ko. Final chapter of book two ang title kasi yung book one ng buhay ko, yung pagiging elementary ko. Malapit na. 10 months episode nalang kumbaga sa teleserye. Pero tiyak, MAGANDA ANG ENDING.